Biyernes, Hulyo 31, 2015

Short Story: All These Little Things



This is a kilig-filled side story from the novel, The Ice Princess vs. the Casanova. Enjoy!

I'm in love with you,
And 'All These Little Things'.
Copyright © 2015 Scribblerrific




Stacey's POV


May practice nga pala kami para sa production number ng Mr. and Ms. Fit n' Right ngayon. Nandito na ako sa Auditorium habang hinihintay ang ibang contestants.

Maya-maya ay nakompleto na rin lahat ng pares maliban sa amin. Te - teka, saan ba nagsususuot ang lalaking 'yon? Alam niya naman sigurong may practice ngayon ah.


"Stacey, pakitawag nalang ng partner mo para makapagsimula na rin tayo sa pagpapractice," sabi ng coordinator ng pageant.

"Sige po," sagot ko naman at tsaka lumabas na ng Auditorium.


Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Naka-abala pa tuloy siya sa ibang mga kandidata. 


"Nakita niyo ba si Tyler?" 


Patuloy lang ako sa paghahanap sa kanya at nagtanong na rin ako sa mga tao sa paligid. Pero ni isa walang nakaalam kung nasaan ang lalaking 'yon. 

Maya-maya ay nakita ko nalang siyang nagmemeryenda sa cafeteria mag-isa. Siguro alam na ng lalaking 'to na may practice, sadyang pumaslit lang ng kain.


"Tyler, may practice pa tayo, ikaw nalang hinihintay," sabi ko nang malapitan ko na siya.

"Ganun ba? Ito naman talagang mga staffs oh, hindi man lang makapag-practice dahil wala pa ang bida," he said boastfully.


Well, miyembro nga siya ng G4, no doubt.


"Just shut up, at sumunod ka nalang," sabi ko. "Okay?" I added with a smile.


Ang dami pang satsat ng lalaking 'to eh. Well, agad rin akong tumalikod at naglakad pabalik sa Auditorium ng HS Building. 


"Teka lang, ito naman oh, hindi mo pa talaga hihintayin ang partner mo," he said while keeping up with my pace. "Anyway, itong pizza, binili ko talaga 'yan para sa'yo," sabi niya sabay abot sa akin nito.

"Para saan naman 'yan?" tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo dito?" sabi niya naman.


Ngumiti ako nang pilit sa kanya at inabot ang pizza at juice. Well, may taglay rin naman palang kabaitan ang lalaking 'to eh. And speaking of that, these past few days parang palagi niya nalang ako binibigyan ng snacks. Hmm, ano ba 'yan, baka masanay pa ako.

Kinain ko na ito since gutom rin naman ako. Mabuti nalang at naubos ko na agad ito bago kami pumasok sa Auditorium.


"Mabuti naman at nandito na rin kayo, sige magsisimula na tayo, everyone maghanda na," sabi ng choroegrapher.


Agad rin namang tumayo ang iba at tsaka nagtungo na rin kami sa stage. 

Ano ba naman 'tong mga steps na 'to parang wala namang konek event which is Nutrition Month.

Anyway, heto, magkahawak pala kami ng kamay ni Tyler. ang awkward nga eh, hindi ko naman kasi kinakausap ang lalaking 'to kahit magkaklase kami. Eh, para saan pa?


"Huwag kang kabahan," sabi niya habang nakikinig kami sa instruction ng choregrapher.


Napatingin naman ako sa kanya nang sinabi niya 'yon. Hindi ko inakala na halos isang inches nalang pala ang lapit ng mga mukha namin. 

Napalunok nalang ako ng laway at tumango. Grabe, parang napupuno na ng pawis ang mukha ko.


"Just trust me, ano pa't partner mo ako," dagdag niya pa.

"Teka, sino 'yang hindi nag-eexecute ng pangwalong figure," sabi ng choreographer.


Nako, parang kami na yata 'to kaya agad naman kaming napatingin sa katabi naming pares.


"Oh, Tyler and Stacey, late na nga kayong pumasok hindi pa kayo marunong sumunod," dagdag pa ng choreographer.


Hmp, nadamay pa tuloy ako sa pagiging late ng lalaking 'to. Anyway, agad rin naman kaming nakabawi at natuto sa pangwalong figure.

Aish, ano ba 'tong nararamdaman ko. Parang may mali eh. Parang may nararamdaman akong hindi ko pa nararamdaman noon.

Unti-unti naming inaral ang itinuro ng choreographer buong magdamag, hindi namin namalayan na malapit na palang mag-7 PM.

Nang dinismiss na kami sa practice agad naman akong lumabas at mag-isang naglakad. 

Nako, madilim na pala. 

Well, halos 7 PM na, kaya natural madilim na ang paligid. Tss. 

Hindi naman sinabi sa amin na matatagalan palang matapos ang practice namin ngayon, eh di sana dinala ko nalang ang bag ko. Sanay na kasi akong natatapos kami ng 5:30 PM eh.

Magpapasama sana ako sa co-candidates ko sa IV-A at IV-B kaso lang parang ang bilis naman yata nilang nakaalis. Hmm.

Well, mukhang wala na talaga akong ibang choice kundi kunin mag-isa 'yon. 

Agad na akong umakyat hanggang sa makarating na nga ako sa fourth floor. 

Pero bakit naka-on ang ilaw sa classroom namin? A - at parang may gumagalaw pa sa loob. Siguro may tao pa sa loob kaya kampante lang akong naglalakad hanggang sa makarating na ako sa pintuan at bigla nalang nag-off ang ilaw.

Dugdug. Hinga ng malalim sabay lunok laway.

Napasigaw nalang ako nang biglang may lumapit sa harap ko.


"Ahhh!" sigaw ko nang may nakita ako sa harap ko.

"Ahhh!" sigaw rin ng nasa harap ko.


Napatigil nalang ako when I realized na si Tyler lang pala ang nasa harap ko. Napatigil rin naman siya sa pagsigaw. Tss. Akala ko naman minumulto na ako.


"Ikaw lang pala," sabay naming sinabi.


I immediately composed myself at tsaka pumasok sa loob. Grabe, nanginginig pa rin ang mga paa habang naglalakad patungo sa switch. 

Agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na umalis palabas ng classroom. Baka kasi may makita pa talaga akong totoong multo eh. Oh no, ewan ko nalang talaga!


"Sabay na tayo," sabi niya sabay habol sa akin.


Ah, akala ko iniwan na ako ng lalaking 'to, eh nandito pa pala siya.

And, heto na naman ang puso ko, parang lumalakas na naman ang tibok. Hmm. 


"Uuwi ka na ba?" dagdag niya naman as he kept up with my pace.

"Siyempre, uuwi na, saan pa ba sa tingin mo ako pupunta?" sabi ko.

"Ito naman, nagtatanong lang dami mo pang sinasabi, hatid na kita?" sabi niya.

"Hindi na, itetext ko na parents ko, may susundo kasi sa akin," paliwanag ko naman.


Finally, nakarating na rin kami sa tapat ng Main Building. Agad naman akong umupo sa isa sa mga benches sa harap nito.


"Kung ganun, eh di hintayin nalang kita," sabi niya naman.

"Huwag na, mauna ka na," I insisted.

"Sigurado kang hindi ka matatakot?" sabi niya.


Biglang humangin ang paligid kaya tumayo tuloy ang mga balahibo ko. Hmmm. Hindi ko pa nga siya nasasagot eh, agad na siyang umalis.

Pe - pero, natatakot ako.


"Ty - Tyler!" sigaw ko.


Agad naman siyang umikot at naglakad pabalik sa kinauupuan ko.


"Sabi ko kasi sa'yo eh," sabi niya sabay upo sa tabi ko.


Naging tahimik lang ako habang hinihintay ang sundo ko. Well, wala rin naman kasi akong alam na topic, kaya nanatili nalang akong tahimik.


"May boyfriend ka ba?" tanong niya.


Bigla naman akong kinabahan nang marinig ko 'yung tanong niya.



Tyler's POV


Ano ba 'to, parang nakakabingi na ang katahimikan sa pagitan namin ni Stacey. Anyway, I have something to confess. 

Kasi these past few days, pakiramdam ko, pakiramdam ko parang nahuhulog na ang loob ko sa babaeng 'to eh. Despite sa kaunting kasupladahan niya, parang nakakatuwa lang rin siya. 

Hindi ko talaga inexpect that I'll feel this way. Parang, bigla nalang akong natamaan. Siguro, ganito lang talaga ang pag-ibig. Ugh!


"May boyfriend ka ba?" tanong ko, kasi masyado nang tahimik eh.


Pansin kong parang natigilan naman siya nang marinig niya ako.


"Uhm, wala," sagot niya naman at lumihis na rin ng tingin.


Magsasalita pa sana ako, gusto kong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya, pero bigla nalang nag-ring ang phone niya. Agad niyang sinagot ito at hindi naman maiwasan na marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila.


"Ano? Hindi niya ako masusundo? Bakit naman?" sabi ni Stacey na mukhang kinakabahan na. "Oh, sige sige, magtataxi nalang po ako. Bye," sabi niya at tsaka ibinaba ang phone.


"Ano? Magtataxi ka? Hindi ka ba nanonood ng news?" sabi ko nang maibaba na niya ang phone niya.

"Nanonood naman, bakit, ano bang problema?" sagot niya na nagtataka.

"Eh ang dami na kayang modus ng ibang mga taxi ngayon, paano kung mabiktima ka? Hindi, ihahatid na kita," sabi ko naman.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo. Huwag mo namang i-generalize na porket may masamang taxi, eh masama na lahat, paano naman 'yung naghahanap-buhay lang?" paliwanag niya naman.

"Okay fine, let's say hindi lahat," sabi ko. "Pero, you're coming with me at ihahatid na kita."


Bigla namang kumidlat ang kalangitan. Matapos ang ilang segundo ay nagsimula na ring umulan. Kaya agad kong kinuha ang payong na binigay sa akin ng mommy ko at binuksan ito.


"Hali ka na kasi, sama ka na sa akin," sabi ko sabay pinayungan siya.


Nag-isip na muna siya at tsaka sinagot rin agad ako.


"Sige na nga, pero 'wag ka na pumasok sa subdivision namin ah?" sabi niya.


Tumango naman ako at napangiti. Well, hindi lang talaga mawala sa mukha ko na finally, napilit ko na rin siya.

Buti nalang at tumigil na rin ang ulan. Parang dumaan lang naman yata 'yon. Kaya tiniklop ko na ang payong ko.

Agad naman kaming naglakad patungo sa parking lot.


"Alam mo, nakakatuwa ka, eh lalaki mong tao, tapos may payong ka," sabi niya naman na natatawa.


Ang cute talaga ng tawa niya. Parang anghel lang sa pandinig ko, ang sarap kasing pakinggan.


"Bakit? Hindi ba pwedeng magkaroon ng payong ang mga lalaki?" sabi ko naman.

"May sinabi ba akong hindi? Eh natutuwa nga ako, kasi 'yung iba, porket lalaki, hindi na nagpapayong. Ako nga, babae ako, pero wala man lang akong payong," paliwanag niya naman.

"Oh, nandito na pala tayo eh," sabi ko. "Sakay na," sabi ko nang napagbuksan ko na siya ng pinto.


Agad naman siyang sumakay at siyempre, mabilis akong tumakbo sa kabilang gilid ng sasakyan.

Tinuruan niya lang ako sa mga direksyon habang nagmamaneho patungo sa subdivision nila. Matapos ang ilang minuto, nakarating na rin kami. Eh hindi naman pala masyadong malayo 'tong subdivision nila sa paaralan eh. Madali ko lang pala siyang bisitahin, well, in the near future.


"Tyler, salamat nga pala ah?" sabi niya.

"Walang anuman, basta, para sa'yo," sabi ko.

"Sige, I have to go," sabi niya sabay bukas ng pinto. "Bye," muli niya akong tinignan.

"Bye," sagot ko naman at tsaka niya isinara ang pinto.


Napangiti nalang ako nang nginitian niya ako. Ewan ko ba, parang ang sarap lang tignan 'nung mga matatamis niyang ngiti. Sana, matamis na oo naman ang sunod nito.

Pero siyempre, hindi ko siya iprepressure. Kasi, hindi pa nga namin nakilala ng lubusan ang isa't-isa eh, tsaka this is really unexpected. Still, I'm really looking forward for that day na magiging kami.

Agad akong umatras at bumalik na sa dinaanan ko nang bigla kong nakita si Stacey na naglalakad sa side mirror.

Maya-maya ay bigla ko namang narinig ang kidlat sa kalangitan.

Nako, baka uulan na naman. 

Kaya naisipan kong sundan nalang siya dala-dala ang payong ko. Naalala ko kasi, wala raw siyang payong eh, kaya paano nalang kung umulan? Eh, mababasa siya, tapos magkasakit siya? 

Tahimik ko lang siyang sinusundan papasok ng subdivision nila. Bigla naman siyang napalingon, buti nalang napatago agad ako 'dun sa poste.

Maya-maya ay bigla nalang bumuhos ng pagkalakas-lakas ang ulan.

Kaya agad akong tumakbo sa gilid niya, binuksan ang payong at tsaka pinayungan siya.

Nabigla naman siya nang makita niya ako.


"Nandito ka pala? Teka sinusundan mo ako?" tanong niya.

"Oo, pakiramdam ko kasi uulan na naman, eh sabi mo wala kang payong eh, kaya sinundan nalang kita," paliwanag ko naman.

"Ikaw naman, paano ka na ngayon niyan?" sagot niya naman.

"Di bale nang ako ang mabasa at magkasakit, basta ikaw, okay lang," sagot ko naman.

"Ikaw talaga, tigil-tigilan mo nga ako," sabi niya sabay tawa.

"Stacey."

"Tyler."


Whoah, sabay pa yata kaming nagsalita ah.


"Sige, ikaw na mauna," aba nagkasabay na naman kami.

"Eh, kasi," ayun, sabay na naman.

"Ikaw na mauna, ladies first," sabi ko naman.


Tinignan niya ako at napansin kong napalunok naman siya.


"Kasi, Tyler," sabi niya at inalis ang tingin sa akin, she looked at the ground instead. "Well, kung masaktan man ako ngayon okay lang, hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko eh. I have to tell you something, but if you don't feel the same, 'wag mo na akong sagutin, lumayo ka nalang sa akin instead. Kasi, parang nagugustuhan na kita Tyler. Kasalanan mo 'to eh, kasi with all those little things na ipinapakita mo sa akin, parang unti-unti akong nahuhulog eh."


Napapangiti nalang ako habang pinapakinggan ang paliwanag niya. Well, wala akong sinabi, pero hindi rin naman ako umalis. Sana makuha niya na gusto ko rin siya.

Matapos ang ilang segundo napatingin nalang siya sa akin habang nanatili naman akong nakangiti.


"Ano na?" tanong niya.

"Hindi nga ako umalis 'di ba?" sagot ko naman.

"So ibig sabihin . . . " sabi niya at unti-unting ngumingiti.

"Tama ka nga Stacey, unti-unti na rin akong nahuhulog sa'yo. Hindi ko lang alam kung paano humanap ng tiyempo. Mula noon, hindi ko inexpect na magkakagusto pala ako sa'yo, pero nangyari na eh, at wala na akong magawa, nandiyan na eh," paliwanag ko naman.


Agad naman siyang napahawak nang marinig niya ang paliwanag ko.


"Pe - pero, hindi pa kasi ako handa eh," sabi niya nang bumitaw siya sa yakap ko.

"Alam mo, hayaan mo na, makakapaghintay naman siguro ang mga puso natin 'di ba? Don't worry, hayaan muna nating kilalanin ang isa't-isa. Hindi kita iprepressure," paliwanag ko naman.

"Salamat Tyler," sabi niya. "And, I just want you to know that in the future, we'll Fit for each other."

"Gusto ko ring malaman mo, that I know you're Right for me," sabi ko naman.


Oh 'di ba? Kami na talaga ang Mr. and Ms. Fit n' Right!

Maya-maya ay tumigil na rin ang ulan sa pagpatak. Kaya nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.


"I have to go Tyler, mag-ingat ka ha, thank you and, I like you for now," sabi ni Stacey.

"Sige, mag-ingat ka rin and I like you too, for now," sabi ko naman.


Agad na akong naglakad, pabalik sa pinag-parkingan ko sa sasakyan ko.

Well, at least, parang nakakahinga na rin ng mabuti ang puso ko dahil nasabi ko na nga sa kanya itong nararamdaman ko at masaya naman akong ganun rin pala ang nararamdaman niya. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento