Huwebes, Hulyo 30, 2015

Short Story: Pangarap Lang Kita

Pangarap Lang Kita
A Wattpad Short Story by Scribblerrific



At kahit mahal kita,
Wala akong magagawa,
Tanggap ko oh aking sinta, 'Pangarap Lang Kita'.

Copyright © 2013 Scribblerrific


An Official Entry for “Wattpad Got Talent 2013”

“Prologue“

Noon pa lang, mahal na kita.

Pero hindi ko magawang masabi dahil ayaw kong masaktan,

Sa oras na hindi mo matanggap na mahal kita.

At ang masaklap pa ‘dun, baka iwasan mo na ako.

Kaya mas mabuti na lang kung hanggang tingin na lang ako.

Dahil langit ka at lupa ako, hindi tayo para sa isa’t-isa.

I don’t believe in magic.

Maaaliw nga tayo nito, pero ang totoo niyan, niloloko lang pala tayo.

Love is the reason itself.

At alam ko kung tayo ay para sa isa’t-isa, tayo ay mangyayari.

Ewan ko kung matatanggap ko, basta para sa akin,

“Pangarap Lang Kita”

Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar
ft. JM de Guzman and Happee Sy


Courtesy of Youtube

- - - - - - - - -

“Dear Diary,

Ito ang kauna-unahan kong mga salitang naisulat simula ‘nung ibinigay ka sa akin ni crush noong Christmas Party. Buti na lang at ako ang nabunot niya. At least may remembrance ako mula sa kanya kung hindi man kami magkakatuluyan. Malabo kasi ang kami ehh. Hindi nga sana kita gagalawin eh, kaso lang nasasayangan ako. Di bale na lang, ano kaya ang ipapangalan ko sa’yo? Kung Lance kaya? Ay, ‘wag na! Masyadong obvious! Uhm, alam ko na! Simula ngayon, ang tawag ko sa’yo ay ‘Crush’! Okay ba ‘yun?! Sige, hanggang dito na muna sa ngayon! Bye!”


Ay, ako nga pala si Gail Sophia de la Cruz. Ako ‘yung nakababatang kapatid ni Juan de la Cruz. ‘Yun oh! Biro lang, naniwala ka naman. Ako lang ang unika-iha sa pamilya at ako lang rin ang natatanging anak. Pwes, kung may tanging ina, hindi nagpapatalo ang tanging anak! Well, dahil sa hindi ako abnormal, may crush ako. Napilitan lang, sabi kasi nila abnormal ang wala. Joke lang! Hindi ko kasi mapigilan ang tibok ng aking puso eh. *Tugs! Tugs! Tugs!*. Ang sinisigaw lang naman nitong puso ko ay si Lance Salazar. Kung makikita niyo lang siguro siya, paniguradong magkakacrush rin kayo sa kanya. Pero wala na ha!? Taken na siya dahil akin na siya ok?! Pasensya na kung assuming ‘to.

Maiba naman tayo. Ako ‘yung sinasabi nilang pinakamaganda sa campus na may busilak na kalooban. Paano ba naman kasi, bihira lang daw ang mga babaeng tulad ko. Swerte nga lang ang lalaking makakabihag sa puso ko. Sana si Lance, sana siya nga.

Papunta na ako ng school ngayon, pero bago ‘yan, magsusulat muna ako sa diary ko.


“Happy Valentine’s Day!”, sabi ng mga mag’jowa sa campus habang ako nama’y naglalakad mag-isa.

“I love you babe!”, sabi naman ng iba pang magkasintahan.

“Flowers for you!”, sabi naman ‘nung iba.

“Chocolates oh! Mwaaah! I love you dear!”, sabi rin ‘nung iba.


‘Yung iba naman nagbibigayan ng mga rosas at mga teddy bears. Kakainggit nga eh! Tss. Sige! Kayo na ang may love life. Pero dahan-dahan lang ha? Baka langgamin kayo diyan!

Naglakad pa rin ako hanggang sa nakabangga ko si Abby de la Vega. Ang isa sa mga sikat na babae sa school. Halos lahat ng clubs kasali siya, pero pinakasikat siya dahil sa mayaman siya and I believe that rich kids have nothing, but fake friends! Total opposite kami! Kung ako ay may kagandahan, alam niyo na siguro kung ano siya. Kung ako ay mabait, paniguradong alam niyo na ulit kung ano siya. Siya nga rin pala ang matindi kong kalaban o rival sa batch namin, 1st honor siya at ako naman 2nd lang.


“Pwede ba! Ingat-ingatan mo ‘yang paglalakad mo? Lampa mo naman!”, sabi niya ng pasigaw na nakakuha sa attention ng ibang tao sa paligid.

“So—Sorry Abby! Pasensya ka na talaga! Sige, mauna na ako.”, sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

“Hoy! Nakakainis ka ahh! Bumalik ka nga rito at hindi pa ako tapos! Bastos ‘tong babaeng ‘to!”, sabi niya na naiirita.


Buti nga lang sa kanya! That’s her medicine. And I believe that the best way to irritate your enemy is to ignore them. At ‘yan na nga ang ginagawa ko ngayon. Well, it succeeded. Proven and tested na kasi ang quote na ‘yan eh.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may narinig akong familiar na boses. Hindi ako sigurado kung sino siya pero familiar talaga eh. Naka’microphone siya at dinig ko sa speakers ng buong paaralan.


“Dear Diary,

Happy Valentine’s Day nga pala! Sana ngayon, magawa niya na akong lapitan at kausapin. O sana kahit magkatabi man lang kami. O kahit magkabangga man lang sana! Para kasing wala nang pag-asa ang kami ehh. Malabo yatang magkaroon ng ‘kami’. Kung para sa mga inlove Valentine’s Day ngayon, pwes, para sa akin, Bitterday o Forever Alone Day! Hahah. Pero ‘wag kang mag-alala, siya pa rin crush ko, habang buhay as in forever! Sige, mauna na ako ha at baka ma’late pa ako sa school! Bye!”


“Hi, alam kong alam mo kung sino ka! I dedicate this song to you! Sana magustuhan mo. Happy Valentine’s Day!”, sabi ng boses.


Wait, parang familiar rin yata ang mga pinagsasabi ng DJ ng Valentine’s Booth na ‘yan. OMG! ‘Yan ‘yung isinulat ko sa diary ko kaninang umaga lang! Waaaah! Nasaan na kaya ‘yun?! Huhuh!

Bumalik ako sa daang tintahakan ko kanina upang hanapin ang nawawala kong puso, este, diary pala. Hindi pwedeng mabasa ng iba ‘yun lalong-lalo na at hindi ‘yun naka’lock.

Habang naglalakad ako, nakikita kong kinilig naman ang mga tao sa aking paligid. Maya-maya ay biglang tumugtug ang kantang “Pangarap Lang Kita” by Parokya ni Edgar.


♫ ♪ Mabuti pa sa lotto, May pag-asang manalo. ♪ ♫

♪♫ Di tulad sa’yo, Impossible. ♫♪


Hindi ko rin Makita sa lugar kung saan kami nagka’bangga ni Abby. Buti na lang nakita ko si Nicole Perez, ang aking dakilang best friend. Kaya nagpatulong na lang ako sa kanya.


“Nicole! Nawala ang diary ko! Huhu! Hawak-hawak ko lang ‘yun kanina eh, tapos hindi ko na alam kung saan ko nalagay o nalaglag! Tulungan mo naman ako oh! Please!”, sabi ko sa kanya na hindi mapakali.


♪♫ Prinsesa ka, Ako'y dukha. ♫♪

♫♪ Sa TV lang naman kasi may mangyayari. ♪♫


“Really?! Oh my gosh! Paano na ang mga secrets mo! Hahayaan mo nalang bang makita ‘yun ng iba. Lalo na ‘yung crush mo! Haha!”, sabi niya at tumawa.

“Tumigil ka nga! Of course hindi ko hahayaan! Kaya nga nagpatulong akong hanapin ‘yun sa iyo ehh!”, sabi ko.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


Kaya nagsimula na kami sa paghahanap sa paligid, simula sa gate hanggang sa kung saan ako nakatayo kanina. Pero wala talaga akong makita eh. Kahit mga bakas nito wala. Paano na ‘yun?! Huhu!

Hindi ‘yun pwedeng mawala dahil una, bigay sa akin ni Lance ‘yun. At pangalawa, baka makita ng nakapulot ‘nun ‘yung secret ko. Kaya oh no! Slowly, nawalan na ako ng pag-asang makita ang diary na ‘yon.


♪♫ Ang hirap maging babae, Kung torpe iyong lalaki.♫♪

♫♪ Kahit may gusto ka, Di mo masabi. ♪♫


Bigla akong napatigil sa lyrics ng kanta. Nakakarelate rin naman kasi ako ehh. Mahirap nga talaga maging babae.

May nakita akong upuan at umupo na lang dahil sa sakit ng aking paa sa kakahanap ng diary ko. Umupo rin si Nicole sa tabi ko and I’m sure masakit rin paa niya.


♫♪ Hindi ako iyong tipong, nagbibigay motibo. ♪♫

♪♫ Conservative ako kaya di maaari. ♫♪


“Wala na! Wala na ‘yung bigay ni Lance sa akin. Huhu!”, sabi ko at simulang tumulo ang luha ko.

“Okay lang ‘yan! Bili na lang tayo ulit!”, sabi ni Nicole.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


“Hindi mo yata ako naiintindihan.”, sabi ko sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”, tanong ni Nicole.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


“Gaya nga ‘nung sinabi ko. Bigay sa akin ‘yun ni Lance kaya may sentimental value na ‘yun sa akin.”, paliwanag ko.

“So naiintindihan na nga kita. ‘Wag kang mag-alala. May magsasauli ‘nun!”, sabi niya.


♪♫ Suiran wo hen ai ni, Wo mei pan fa gaosu ni. ♫♪

♫♪ Wo xin zhong yi you oh ~ qinai, Danshi xi wang ni de ai. ♪♫


“Sana nga! Sige, salamat sa pag’comfort Nicole!”, pasasalamat ko kay Nicole.

She hugged me and I hugged her too. Buti na lang nandito lang siya sa tabi ko and stayed. Now I’m feeling fine. Sana bumalik ‘yung diary na ‘yun sa mga kamay ko.


♫♪ At kahit mahal kita (Da ai ni), Wala akong magagawa (Wo zhen de mei fanfa). ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


Kaya tumayo na kami ni Nicole at naglakad patungo sa classroom. Hindi pa rin natapos ang kanta habang naglalakad kami ni Nicole.


 ♪♫ Pangarap lang kita, pangarap lang kita. ♫♪

♫♪ Pangarap lang. ♪♫


“Alam mo ba kung bakit ‘yan ang napili kong kanta? Dahil akala kong hanggang pangarap lang kita. Pero masaya ako na pwede rin palang maging akin ka. At kung magkatotoo man ‘yun, ikaw ang kauna-unahang pangarap na naabot ko.”, sabi ng isang boses sa speakers.

Hindi ko talaga maintindihan pero parang narinig ko ang isang natural na boses at ‘yung boses sa speakers. Nakakalito. ‘Yung iba naman, tinitignan kami ni Nicole na nakangiti at mukhang kinikilig.

Dahil sa nahihiya ako, tumalikod ako at tumakbo.


*Bugsh!*


May nabangga na naman ako? Gosh! Lampa nga talaga ako. And wait, na’out-of-balance ako and I’m going to fall.


“Waaaah!”, sigaw ko.


Buti na lang at nahawakan ako ng taong nakabangga ko. Wait, si Lance ang nakabangga ko? OMG! Nakakahiya ‘to!


“I’ll catch you when you fall. Trust me!”, sabi niya at ngumiti.


Nagtinginan ang mga mata naming dalawa. Thanks diary, tinupad mo ang wish ko kahit wala ka na!


“Aweeeh!”

“Ang sweet naman!”

“Nakakakilig!”


‘Yan lang rin naman ang maririnig mo sa mga taong nakatingin sa amin sa paligid ehh. Teka, napatagal yata ang paghawak niya sa akin ahh.


“Ahh—Ehh, Lance, pwede mo na akong bitawan.”, sabi ko na feeling awkward.

“Ayy, sorry. Teka, may ibibigay nga pala ako sa’yo!”, sabi niya.

“Ahh, ganun ba? Ahh—Ehh, ano naman ‘yun?”, tanong ko while stuttering.


Binuksan niya ang backpack niya at may isang bagay na hinanap. Hanggang sa nakita ko ang aking diary. Agad ko naman itong kinuha kahit hindi niya pa inaabot ito.


“Nakita ko ‘yan kanina. Familiar kasi ehh. Kaya kinuha ko na. At nalaman kong ‘yan pala ang ibinigay ko sa iyo last Christmas Party.”, paliwanag niya.


Habang siya ay nagsasalita, binuksan ko naman ang diary para makita kung buo pa ba ito. Pagbukas ko nito, may nakita akong isang note. Tatanungin ko na sana siya pero hindi ko na siya makita sa harap ko. Wala na rin siya sa paligid.

Ito ang nakasulat sa note:


“Hi Gail!

Una sa lahat, “Happy Valentine’s Day” nga pala! Heheh! Nakita ko ‘tong diary mo kanina sa sahig ng campus sa stairway. Kaya kinuha ko na. Gusto ko lang rin sanang tanungin kung may date ka na ba sa Valentine’s Ball mamaya. Kung wala pa, sana ikaw ang maging date ko. ‘Yun ay kung okay lang sana sa iyo. Bye! Take care!”


Hindi ko alam kung ano ang magiging desiyon ko. Kaya natulala muna ako ng saglit para mag-isip.


“Boo!”, nakakagulat na sigaw ni Nicole, “Ang bigat yata ng iniisip mo ahh!”, dagdag niya.

“Wala! Inalok kasi akong maging date ni Lance sa Valentine’s Ball ehh. Kaso--.”, hindi ako pinatapos ni Nicole.

“What?! OMG! OMG! Ang swerte mo talaga this year Gail! So what now!? Go! ‘Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Boom kara-karaka!”, sigaw niya.

“Tumahimik ka nga diyan! Hahah! Ehh kasi naman, mag’eentrance test ako bukas in preparation for college. Baka mapuyat ako.”, sabi ko naman.

“Ikaw bahala! Basta kung ako ikaw, papayag ako kung aalukin ako ni Kevin kahit may test pa ako bukas! Hahaha!”, sabi niya sabay tawa.

“Ehh, hindi ka naman nakakatulong ehh! Pinahihirapan mo lang ako! And wait, hindi ka ba inalok ng MU mong si Kevin?”, sabi ko.

“Anong pinahihirapan? Hindi ahh! Hahah! Sinasabi ko lang ang desisyon ko kung ako ang nasa sitwasyon mo! At aalukin niya pa lang ako! Haha!”, sabi niya sabay tawa.


Waaah! Nakakalito na talaga ‘to! Well, may point rin naman si Nicole. Once in a lifetime lang ito at baka kung hindi ko kukunin ang opportunity na ito, baka pagsisihan ko habang buhay. Ewan ko ba? Basta may 8 hours pa ako para mag’isip.


+ + +


Maaga kaming pinauwi ngayon para makapag’prepare sa Valentine’s Ball sa school. Sosyal ano?! Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako o hindi. Kaya nagsulat muna ako sa diary ko.


“Dear Diary,

Valentine’s Ball namin mamaya at inalok ako ni Lance na pumunta para maging date niya. Should I go or not?! Nakakalito naman kasi ehh. Huhuhu! Help!”


Binuksan ko na ang mga libro ko at inunang pag-aralan ang literature. Nag’scan ako ng ilang pages hanggang sa may nakita akong quote.


“Never waste an opportunity. That might come only once in your life.” – Anonymous


Kaya sinara ko ang aking libro at niligpit ang aking gamit. Kinuha ko ang aking make-up kit at nag’make-up. Pero slight lang. Binuksan ko ang aking cabinet at kinuha ang dress kong kulay blue. Sinuot ko ito at nagpahatid sa driver patungo sa school.


“Oh, andito ka pala! Akala ko hindi ka na pupunta ehh!”, sabi sa akin ni Nicole.

“Bakit? Sinabi ko bang hindi? Hahaha! Pasok na tayo!”, sabi ko sa kanya.


Kaya pumasok na kami sa venue at nakita ko si Lance. Ang gwapo niya at parang may hinihintay. I guess it’s me. I know ini’expect niya ako dahil alam kong binasa niya ang diary ko. Hindi niya ako makita dahil may dalawang babae na nakaharang.

Tumabi na silang dalawa at nakita niya ako. As in wala talagang nakaharang sa path namin. Tumayo siya papalapit sa akin pero hinawakan siya ni Abby. Inalis niya ang kamay ni Abby at dumiretso sa direksyon kung saan ako nakatayo.


“Salamat at dumating ka!”, sabi niya.

“Wala ‘yun! Salamat at inalok mo rin ako. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya.”, sabi ko naman.

“Mas masaya pa ako sa kung ano ang inaakala mo.”, sabi niya at ngumiti.


Nag’ngitian kaming dalawa at hinawakan niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa dancefloor para sumayaw.


“Nakakahiya.”, sabi ko.

“Huwag kang mahiya, magtiwala ka lang sa akin. Ako ang bahala sa’yo!”, sabi niya.


Kaya pumunta kami sa gitna at nag’senyas siya sa DJ. At bigla namang tumigil ang kantang tumutugtug at pinalitan ng “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar. Aweeeh.


♫♪ Mabuti pa sa lotto, May pag-asang manalo. ♪♫

♪♫ Di tulad sa’yo, Impossible. ♫♪


Bigla ring umupo ang mga couples na sumasayaw. OMG, mas nakakahiya ‘to. Pero wala akong ibang tinignan kundi si Lance lamang.

Maya-maya ay naging komportable na ako sa pagsayaw kasama si Lance. Tama nga siya, magtiwala lang ako sa kanya.


♪♫ Prinsesa ka, Ako'y dukha. ♫♪

♫♪ Sa TV lang naman kasi may mangyayari. ♪♫


“See?! Sabi ko naman sa’yo ehh! Magtiwala ka lang!”, sabi niya at ngumiti.

Nag’smile lang ako at nag’nod. Para kasing ang awkward ehh.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


“Uhh, Gail, ma—may gusto sana akong sabihin ehh.”, sabi niya.

“Ano ‘yun?”, matipid kong sagot.


♪♫ Ang hirap maging babae, Kung torpe iyong lalaki. ♫♪

♫♪ Kahit may gusto ka, Di mo masabi. ♪♫


“Ehh—Kasi—Ano.”, sabi niya pero di niya tinuloy.

“Ano nga! Hahaha!”, sabi ko at tumawa ng kaunti.


♫♪ Hindi ako iyong tipong, nagbibigay motibo. ♪♫

♪♫ Conservative ako kaya di maaari. ♫♪


“Alam mo ang ganda mo ngayon.”, sabi niya.

“Salamat!”, sabi ko naman.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


“Ang gwapo mo rin ngayon!”, dagdag ko with a smile.

“Salamat! Para sa’yo ‘to!”, sabi niya at ngumiti.


♫♪ At kahit mahal kita, Wala akong magagawa. ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


Natahimik ako sa sinabi niya! Aweeeh. Nakakakilig! Best Valentine’s Day ever! Hindi ko alam kung paano mag’open ng topic kaya nanatili lamang akong tahimik.

Naging tahimik rin siya sa moment na ‘yun.


♪♫ Suiran wo hen ai ni, Wo mei pan fa gaosu ni. ♫♪

♫♪ Wo xin zhong yi you oh ~ qinai, Danshi xi wang ni de ai. ♪♫


“Ahh”, sabay naming dalawang sinabi.

“Ayy, ikaw na mauna Gail!”, sabi niya nang nakangiti.


♫♪ At kahit mahal kita (Da ai ni), Wala akong magagawa (Wo zhen de mei fanfa). ♪♫

♪♫ Tanggap ko 'to aking sinta, Pangarap lang kita. ♫♪


“Hindi, ikaw na Lance.”, sabi ko naman.

“Ehh kasi, mahal kita Gail. Will you be my girlfriend?”, sabi niya habang binibigyan ako ng rosas.

“Ang totoo niyan, mahal kita, noon pa lang! Kaya, oo!”, sagot ko naman.


♪♫ Pangarap lang kita, pangarap lang kita. ♫♪

♫♪ Pangarap lang. ♪♫


Natapos na ang music at sumigaw naman si Lance while carrying me.


“Whooo! Girlfriend ko na si Gail de la Cruz!”, sabi niya na napaka’proud.

“I love you Gail de la Cruz!”, sigaw niya.

“Mahal rin kita Lance Salazar!”, sigaw ko rin.


At niyakap namin ang isa’t-isa ng napakahigpit. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin at kinikilig rin.


+ + +


Natapos na ang gabi ng Valentine’s Ball at sinabihan ako ni Lance na ihahatid niya ako kaya hindi na ako nagpasundo sa driver namin. Nagpaalam na rin ako kay Nicole dahil ihahatid rin siya ng ka’MU niya na si Kevin.


“Para sa’yo ito Gail! Happy Valentine’s Day!”, sabi ni Lance sabay bigay sa akin ang isang gift na naka’wrap.

“Naku! Wala akong dalang gift para sa’yo Lance. Sorry!”, sabi ko at yumuko.

“Ano ka ba?! Okay lang! Ang matamis mong ‘oo’ ay ok na ok para sa akin.”, sabi niya at niyakap ako.

“Salamat! Hindi talaga ako nagkamali na hangaan ka!”, sabi ko at niyakap rin siya.

“Hali ka na! Ihatid na kita!”, sabi niya.

“Sige!”, sagot ko.


Kaya binuksan niya ang front seat para papasukin ako. At pumasok na rin siya sa driver’s seat pagkatapos. Ang saya ko ngayong araw na ‘to!

Habang nagda’drive siya. May fireworks akong nakikita sa labas na kulay red at nag’form ng “I Love You Gail!”. Namangha ako ‘dun at nagpasalamat kay Lance sa lahat ng bagay! Napaka’sweet niya talaga. Hanggang sa pumasok na kami sa compound ko at lastly, sa tapat ng bahay ko.Binuksan niya ang pinto para sa akin.


“Salamat nga pala Lance! For this day! Sa lahat-lahat!”, sabi ko.

“Walang anuman ‘yun! Salamat rin at pumunta ka sa ball.”, sabi niya.

“Sige mauna na akong pumasok! I love you Lance!”, sabi ko.

“Sige bye! I love you too Gail!”, sabi ko at pumasok na sa amin.


Nag’flying kiss kami sa isa’t-isa at hinintay niya akong makapasok sa bahay namin. Pagpasok ko, agad ko namang hinanap ang diary ko para i’express ang nararamdan ko.


“Dear Diary,

Ang saya ko ngayon! Mas masaya pa sa inaakala mo! Hahaha! Sabi ‘yan ni Lance kanina ehh. Gusto ko lang naman sabihin sa iyo ang good news na kami na ni Lance! Nabigla ka ba? Hahaha! Hindi ko inakalang naabot ko ang pangarap ko. Hindi ko rin kasi alam na pangarap pala ako ng pinapangarap ko. May binigay nga siya sa akin na gift ehh. Pero bukas ko na bubuksan ito. Matutulog na kasi ako. Good Night!”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento